Para Sa Brokenhearted: Book Review (Tagalog)

By

Ngayon lang ako nakabasa ng novelang tagalog, at masasabing kong ito ay nagbigay ng buhay sa sitwasyon ko. Oo, marami hugot lines sa libro na nakakarelate ako, at marami rin mga magagandang aral na naibigay sa akin.


Nagpapasalamat ako kay Marcelo Santos III. Sa kanyang magandang kwento ng tatlong pag-ibig. Napaluha ako sa pangatlo ng istorya at nabigyan ako ng lakas sa ending.


Ang sakit ng mga kwento at mga banat, lalo na ang storya ni Jackie.

Pero kung may maibibigay akong payo, ang istorya ni Alex at Shalee, ay parang minadali. Sa totoo lang, pwedeng gawan ng sariling libro ang istorya nila.

Overall, isa itong magandang libro na personally, nakapagbigay sa akin na kailangan ko na talagang mag-move on. Para hindi na ako masaktan!

Salamat!

9.5/10

Advertisements