Sa Tamang Panahon (Tagalog)

By

IMG_5983

Maraming mga kasabihan na tungkol sa oras. Kagaya ng, “Time is gold.” “time will tell,”  “time heals,” at ang sikat ngayon, “Sa tamang panahon.”

Oo, nagsusulat ako ngayon dahil katatapos ko lang manood ng #AldubEBTamangPanahon. Ngayon lang ako kinilig at sumuporta ng todong-todo dahil kina Alden Richards at Maine Mendoza. Binigyan nila ulit ng konting kilig at tibok ang aking puso kahit sa edad ko na ito. Natutuwa ako dahil masaya, masakit, nakakatuwa, nakakatawa, at nakakaiyak ang programa ng Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ano ang nabigay ng Aldub sa akin? Nung ako ay malungkot, kapag nanonood ako sa kanila, napapangiti ako at nawawala ang sakit ng puso ko. Nabigyan ako ng konting tuwa kahit sandalian lang. Kahit ganun, kinilig ako, tumawa, ngumiti, at kahit ngayong habang ako ay nagsusulat, nakangiti ako.

Pero, sa seryosong usapan. Minsan talaga, kailangan natin magtiwala sa Diyos na sa tamang panahon ang mga bagay-bagay, lalo na kapag sige na sige. Kapag magulo at alam na hindi pa muna, huwag pilitin, kasi ang panahon na talaga at ang Diyos ang magbibigay ng tamang panahon. Habang tayo ay naghihintay, magdasal tayo, asukasuhin ang sarili, at gumawa ng mga mabubuting aral.

Kaya mga taong nagbabasa, sa tamang panahon. Laging tandaan sa tamang panahon!

Jireh

Advertisements