Ang aking ililista na mga kanta ay para sa akin lamang, kung nakakarelate ka, edi masaya. Itong limang kanta na ito ay mga paboritong kong Tagalog OPM songs. Naging parte na rin sila ng buhay ko at napaka-meaningful para sa akin. Kaya ito, simulan na natin.
5. Jeepney – Spongecola
Luma na itong kantang ito, pero ito ang awit na nagustuhan ko dahil sa tagal kong hindi umuwi sa Pinas at hindi nakarinig ng pinoy na awit. Itong kanta ang naging awit kapag naalala ko mga barkada ko. At hindi lang barkada, syempre, iyong babaeng minahal mo. Naks! flashback ba! Oo, kayang gustong-gusto ko itong awit na ito. Nostalgia! “Subalit ngayo’y wala na, ikaw ay lumayo na. Naaalala ko ang mga gabi nakahiga sa ilalim ng kalawakan.” Nakakamiss tuloy ang Pinas. Ano ba yan? nasa number 5 palang tayo. O sige, ipagpatuloy natin.
4. Harana – Parokya ni Edgar
Siguro halos lahat ng pinoy na gusto matutong maggitara eto ang unag kantang sinimulan. Bata pa ako, patok na patok itong kanta na ito. Dahil sa kantang ito, naging fan ako ng Parokya ni Edgar, natuwa ako kasi nakita ko sila sa isang mini concert dito sa San Diego. Simple lang ang kanta, tungkol sa isang awit na harana para sa iyong minamahal. HIndi ko inawit ito sa nililigawan ko, pero natutuwa ako sa kantang ito kapag may minamahal ako. “Puno ang langit ng bitwin, at kay lamig pa ng hangin. Sa isang munting harana para sa yo.” Sino ba naman hindi sasagot sayo niyan?
3. Huling Sayaw – Kamikaze featuring Kyla
Ito ang awit ng rock, pero halos gusto mong umiyak sa sakit. Ang awit at tungkol sa tayong mahal mo na kailangan mo ng magpaalam at sa huling sayaw mo siya bibitawan. Bakit gustong gusto ko ito? Dahil sa ex ko, eto ang kanta ko sa kanya! Hindi siya namatay, pero kailangan ko na siyang bitawan para makalaya na ako at pati siya. Mas lalong sumakit ang kantang ito nung nagpaaalam na ang Kamikaze sa pagiging grupo. Mas sumakit ang kantang ito, dahil isa sila sa mga Filipino Band na gustong-gusto ko na nagbibigay ng tatak Filipino. Original songs at napakapowerful. Tsaka sa video, ang ganda ni Kyla. “May dulo pala ang langit, kaya sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw” ito iyong mapapamura ka sa sakit kapag inaawit mo ito, mapasaan ka man.
2. Sandalan – 6 Cyclemind
Awit ko ito sa mga lahat ng tayong nabigyan ko ng balikat dahil sila ay nalulungkot. Minsan, nalalaman ko kapag malungkot ang isang tao, at minsan ang kailangan lang nila ay isang sandalan. Alam ko na nabuhay ako dito sa mundong ito para maging sandalan ng mga taong nalulungkot, umiiyak, at napapariwara. “Sige lang, sandal ka lang, at huwag pipigilan, iiyak mo na lahat sa langit, iiyak mo na ang lahat sa akin.” Kung lahat ng tao ganito, edi wala sanang mga taong iniiisip na nag-iisa sila. Kaya ang huling kong kanta ay.
1.Hawak Kamay – Yeng Constantino
Pinoy Dream Academy Champion. PInanood at sinubaybayan ko itong programa na ito. At masasabi kong magaling talaga si Yeng. Compose niya ito nung bata pa siya kasama mga kaibigan niya. At alam ko hindi lang ako nakakarelate sa kanta pati mga taong may mga barkada na laging nandyan para sa kanila. Kinanta ko ito sa debut ni Karen, at kinanta ko ulit sa pag-alis ni Jezz ng San Diego. Tapos, kinanta ulit itong ng grupong FAB 4 na mga kaibigan ko nung umalis na ako sa simbahan namin. Kaya itong kantang ito ay talagang memorable sa puso ko. “Huwag mong sabihin na nag-iisa ka laging isipin na may makakasama, narito ako.”
O ayan! Kayo, ano ang mga paborito niyong OPM songs?