Tula

By

19848801_10213479714451429_1264390469_n

Bakit ganoon?

Hindi naman tayo

Pero namimiss kita

Bakit ganoon?

Lagi kang nasa isip

Napapangiti kapag

Naaalala ka

Pero hindi naman tayo

Bakit ganoon?

Kahit ayaw mo sa akin

Masaya lang

Kapag nakakausap ka

Hinihintay ang ingay ng cellphone

Kung nag-message ka na ba

Bakit ganoon?

Hindi naman tayo

Basta alam ko

Ikaw ang dahilan

Sa aking magandang nararamdaman

Kahit isang sulyap ng ngiti

Ito’y sapat na para sa akin

Sana pagbigyan mo naman ako

Matagal na akong hindi umibig ng ganito

Malakas na ata ang tama ko sayo

Bakit ganoon?

Kahit hindi naman tayo

Sana balang araw

Maging ikaw at ako

 

Advertisements