March, this is the graduation month in the Philippines.
March 2000, ito naman ang huling buwan na nakita ko ang aking mga kabatch at kaibigan. April 05, umalis na ako sa Pinas at pumunta sa America.
Bago pa mauso ang social media, sulat ang isang paraan para makausap ang mga taong malalayo sa buhay. Halos dalawang taon din akong nakisulat sa aking mga kabatch bago mauso ang friendster.
Tinago ko ang mga sulat, na siguro balang araw, maibabasa ko sa kanila ulit kapag nagkita-kita kami. Para bang time capsule. Alam ko maraming naasar sa akin noon, galit pa rin kaya sila? Natutuwa ako kasi hindi ko maisip na maitatago ko ang mga sulat na ito.
2018 na, 18 years na nakalipas, marami na nagbago. May mga asawa at anak na sila. May nasa ibang bansa, may mga asensado na. Pero, masaya sa Pinas, lalo na sa isang taon na nakasama ko sila, ito ay punong-puno ng alaala. Ano kaya nangyari kung hindi ako umalis?
Sana sa ngayong Pasko, makita ko ulit sila. Nakita ko sila noong 2005, pero hindi lahat. 13 years ko ng hindi nakita ang iba, 18 years naman ang ilan.
Iba talaga ang nostalgia, medyo nakaka-high! Napapangiti ka na lang bigla! Miss ko na kayo Batch 2003!