Marami ako pagsisi. Sa totoo lang, nang malaman kong may cancer ko, nag-iba ang aking pananaw. Syempre, kailangan ko magpalakas, at makinig sa mga payo ng mga doktor. Pero, nasaktan ako ng nalaman ko may sakit ako, at baka di na rin ako magtagal, dahil naalaala ko ang mga dating importanteng tao sa buhay ko. Mga taong dati halos araw-araw mong kasama, mga taong dating nagbibigay sayo ng tuwa at tawa, mga taong dating akala mo panghabang buhay mong kasama. Pero sa huli, pamilya lang talaga ang naiiwan. Pamilya lang talaga ang magtitiyaga sa mga kalokohan at kapalpakan ko sa buhay.
Siguro, itong mga gamot na iniinom ko ang nagbibigay ng lungkot sa buhay ko at namimiss ko mga dati kong kaibigan at isang babae na totoo kung minahal. I remember all of them, and I’m sad that I won’t be with them until the end. I’m sad na hindi ko sila kasama sa journey na ito na napakahaba, nakakalungkot, at nakakatakot. Depressed ba na naman ako? Ang dami na sumasakit, wala na akong ganang kumain, palakas ng palakas pa ang ingay sa tenga ko. Tinatamad na ako tumawag sa doktor ko para magpa-appointment. Nauubos na pera ko sa mga gamot ang mga medical bills. Kailangan magtrabaho, pero ang dali ko mapagod.
Pero kailangan ko lumaban diba? Kailangan lumakas? Kasi hindi ko naman alam kung ano mangyayari. Nakakalungkot lang talaga. Bakit naman natotopak ako ulit? O natatakot lang ako na wala na akong kinabukasan? O nag-iisa ako sa lakbay na ito.
Sana makita kang muli… hindi ko alam pero naiisip lang kita madalas…
Ang lungkot ko, bakit?
Kung alam mo lang, haha. Wala naman akong cancer pero nagkasakit din ako. Nagka seizure ako na nagpatulog sa akin ng mahabang panahon tapos pagkagising ko wala na kong maalala mula sa kung anong petsa na, sa mga password o pin ko, hanggang sa pangalan ng mga kapamilya ko. Lahat yun nangyari dahil inabuso ko ang sarili ko sa akala kong makakatakas ako sa kalungkutan. Hindi pala. Minsan na rin akong nadurog at nabaon sa kalungkutan. Hindi ko alam kung anong plano sa akin, basta tuloy pa rin ang buhay. 🙂
LikeLiked by 1 person