
Maswerte ang mga taong mabilis makalimut. Ang mga taong madaling maka-move on. Ang mga taong pagkatapos masaktan ay malakas bumangon. Sana ganun din ako. Subalit, kahit ilang beses kong sabihin, “eto na,” ako ay hanggang salita lang.
Mayroon mga good memories, mga bagay bagay na nakaraan na natutuwa ka lalo na kapag pinag-uusapan ng mga dating kaibigan. Ito ay mga memories na healthy. Mayroon din mga memories, o more of “traumatic experiences,” na bigla na lang nagflaflashback sa iyong harapan. Ito ang mga flashbacks na ayaw na ayaw ko. May maamoy, may marinig, may makita, may madinig, at may maramdaman lang ako, bigla na lang nagfla-flashback ang mga bagay na parang nagyayari ngayon. Hindi ko nakikita na mga tao, dahil ito ay “invisible symptom.” Ikaw ay mukang normal pero sa loob natatakot at nasasaktan ka pala.
Ngayon pandemic, mukang lumalala ang mga flashbacks ko. Sinusubakan ko bumangon, lumaban, at hindi madepressed. May hope ako na sana makakalimutan ko rin ang lahat. Ang lahat ng mga masasamang ala-ala na nagbibigay sa akin ng takot at sakit.
Ikukuwento ko rito ang tatlong ala-ala na minsan paulit-ulit bumabalik sa aking isip.
- Ang nangyari sa akin nung bata ako. Minsan bigla ko na lang na-aalala nung ako ay pinilit gawin ang mga bagay na hindi dapat ginagawa ng bata. Naaalala ko iyong pakiramdam ko nung bata ako, ang pakiramdam na takot na takot kapag nakikita ko siya. Matanda na ako, pero kapag biglang nagfla-flashback sa isip ko, nararamdaman ko iyong takot na iyon. Lagi ko rin na-aalala na iniwan ako mag-isa ng mga pamilya ko sa plaza. Naglalaro kami ng volleyball, at napikon ako, bigla na lang ako naasar, hindi ko alam kung bakit ako naasar, pero galit na galit ako. At ang ginawa ng mga auntie at mga pinsan ko, iniwan lang ako sa basketball court, umiiyak mag-isa sa semento. Minsan, nagflaflashback sa isip ko iyon, iyong feeling na iniwan ka mismo na iyong mga kapamilya. At ang isang ayaw ko maflashback ay iyong nabalian ako ng buto. Umuwi ako ng bahay, pero walang tao. Sarado ang bahay at hindi ako makapasok. Katabi lang namin ang simbahan at nasa loob ako ng simbahan, humiga ako sa stage mismo, at umiyak ng umiyak. Umiiyak ako sa sakit ng bali ng buto ko, at sa sakit na nararamdaman ko na parang ako ay ulit naiwan at walang gusto tumulong sa akin. Minsan, bigla na lang nag-flaflashback lahat at ang nararamdaman ko, ang sakit sakit. Alam ko hindi nila sinasadya ang pag-iwan sa akin, kaya lalo ako naasar sa sarili ko bakit iyon ang nararamdaman ko.
- Ang pangalawang flashback na ayaw ko lumabas ay ang naramdaman ko nung pinaalam ko ang nangyari sa akin nung bata ako. Iyong mga panahon nung 2014 na nagtangkay magpakamatay ako dahil ang sakit sakit ng mental state ko. Walang tumulong sa akin, walang huminto sa akin, walang nakauna sa akin. Nakita lang nila ay isang taong nababaliw. At ang masakit ulit dito ay sila ay trinatong kapamilya ko. Bigla na lang nagflaflashback ang sakit nang hinto ako pumunta sa isang lugar. Ang ala-ala na hindi ka tinatanggap. Ang ala-ala na wala kang kwento.
- Ang huling flashback na ayaw ko ma-alaala ay ang pag-gamit sa akin ng isang tao. Kinausap ka, sinamahan ka, pero sa huli iiwan at bigla na lang maglalaho. Marami na nanggamit sa akin mula ng bata ako, tapos ang taong mahal ko, ang unang taong minahal ko, ginamit lang pala ako dahil sa huli babalik din siya sa kanyang babalikan. Walang paalam, walang closure, walang sinabi, bigla na lang naglaho sa buhay mo. Nag-tetherapy ako noon, kaya magulo utak ko noon. Bigla siyang bumalik sa buhay ko at kahit sa mga konting saglit nagkaroon ako ng kaibigan na akala ko makikinig sa akin at mamahalin ako kahit mundo ko ay magulo. Pero, sa huli, abandonment, used, and rejection lang ang abot ko. Gusto kong kalimutan, kailangan kong kalimutan.
Sinusulat ko dito dahil ayaw ko muna magFacebook at Instagram. Layo muna ako sa mga bagay bagay na nagdadagdag ng mga “triggers.” Ngayon, pagpapahingahin ko muna ang utak ko. Ang maganda sa mga flashbacks ay flashbacks lang sila, hindi sila totoo na nangyayari ngayon. Sila ay nasa past na at hindi na sila ang nangyayari ngayon. Lagi ko kailangan tandaan na magaling na ako, malakas na ako, at may mga technique na ako kapag bigla silang bumabalik sa utak ko. Hindi na ako iyong batang takot dahil may nag-aabuse sa akin. Hindi na ako iyong taong nagmemental breakdown dahil hindi ko alam nangyayari sa akin. Hindi na ako iyong taong ginamit lang.
Kaya natin ito. Gaya nga ng sabi ko, “eto na!”