Para sa mga taong gusto lunurin ang sarili sa mga super sad love song.
5. Itutulog Na Lang by The Juans
“Sana’y pagsapit ng umaga’y mawala na
Ang sakit na dinulot ng ‘yong paglisan”
Magsimula tayo sa sobrang sakit na kanta ng The Juans. Alam natin na minsan gusto mo na lang itulog ang sakit pero paggising mo, andun pa rin ang sakit. Kailangan mo ng tanggapin na wala na siya! Move on na!
4. Sana by I Belong To The Zoo
“Biglang nalaman ko, may hinihintay ka lang palang bumalik.”
Ito ang mga linyang luluha ka to the max kung maka-relate ka! Ginamit ka lang pala! May hinihintay lang pala. Ang sakit noh? Move on na!
3. Hindi Tayo Pwede by The Juans
“Pinagtagpo pero ‘di tinadhana”
Grabe and The Juans ah, parang gustong-gusto nila paiyakin ang mga tao! Ito ang pangalawang kanta na galing sa kanila na talagang luluha ka kapag nakakarelate ka. Huwag pilitin dahil hanggang dito na lang. Move on na!
2. Huling Sayaw by Kamikaze
“May dulo pala ang langit.”
Akala mo ang saya-saya parang heaven, pero ano, sa huli matatapos rin. Magandang kanta ito dahil parang hopeful ang ending kahit alam natin maghihiwalay na kayo. Isa rin kantang para hindi talaga kayo pwede sa huli. Kaya kailangan niyo na lang sulutin ang mga huling araw niyo. Ito na ang huling sayaw. Move on na!
1.Sa Hindi Pag-alala by Munimuni
“Eto na.”
Nababaliw ka na ba? Eto na kang eto na, pero ano, ilang taon na nakalipas hindi mo pa rin makalimutan. Move on na!
Ano ba ang mga super sad love song na trip mo. Comment lang.