
Isa sa mga ayaw ko ang ma-disappoint. Hindi sa ibang tao kundi sa sarili ko. May mga ibang tao na binibigyan nila ang sarili nila ng napakataas na standards, kaya nadidisappoint sila. Pero ako, nadididisappoint ako kasi parang hindi iyong ginagawa ko. Parang nakokontento na ako sa ginagawa ko, kahit alam kong marami akong pwede gawin at kaya ko pang magpatuloy mag-grow.
Pinabayaan ko sarili ko. Ang katawan ko. Ang pag-iisip ko. Ang puso ko.
Lagi na lang ako bumabalik sa mga bagay-bagay na hindi nakakatulong sa paglaki ko. Para bang na-istuck ka na sa cycle na paulit ulit na lang. Mayroon mga tao nag tumutulong at gusto tumulong na mag-grow ako pero minsan naiisip ko, ayaw ko. Mas okay na ako na walang ginagawa at normal lang. Wala namang masama sa pagiging normal diba? Pero sa loob ng isip ko, kaya ko pa lumago. Sabi nila, “do your very best,” iyong nga ang problema, “I don’t want to do my very best.”
Tapos madidis-appoint ako sa sirili ko. Ang tanga eh no?
Minsan gusto ko matulog na lang ng matulog, Ayaw ko na tumakbo ang isip ko.
Sa wakas tagalog blog. Kamusta ka? Anong pakiramdam mo ngayon? Nakaka relate ako sa post. Ganyan ako nung malala pa depression ko. I’m losing interest sa lahat ng bagay even sa personal development. Pero unti unti ko din nalagpasan. Hinanap ko yung pinaka cause bakit ako nagkakaganyan tsaka ko gumawa ng move. May mga tao ding tumulong sakin pero ayun nga, sa huli nasa sayo pa din yung kagustuhan na makaalis sa ganyang sitwasyon. Kaya kasi natin napagdadaanan yung ganyan kasi merong gumugulo sa isip natin na di natin mabigyan pansin kaya napapabayaan, hindi natin namamalayan na dahilan na yun bat tayo nawawalan ng gana sa mga bagay bagay. Nawawala yung motivation pati pagmamahal sa sarili.
LikeLiked by 1 person
Noon, nagcounseling ako.
Recently, medyo okay okay naman, pero napapaisip pa rin ako kung naggrowgrow pa ba ako? But I keep myself pushing. I still go to work and I do my best to learn new things.
May mga araw lang talaga na malungkot ka at gusto mo matulog na lang.
LikeLike
Feeling ko lang, sa nangyayari sa yo ngayon, kailangan mo lang ng tamang inspirasyon sa buhay, yun bang makakapagmotivate sayo na gumawa ng mga maraming bagay na ikakaunlad ng iyong sarili.
LikeLiked by 1 person