
Sagwan lang ng sagwan hanggang maabot mo ang lugar na iyong patutunguhan.
Ang dami na nangyari magmula ng mangyari ang pandemic. Dito sa America, parang normal ulit ang buhay na mga tao, pero alam ko sa ibang bansa, hindi pa tapos ang pandemic.
Kung gusto mo naman malaman ang buhay ko, marami ring nagbago at magbabago.
Una, napromote ako sa trabaho, dagdag sweldo pero dagdag rin sakit sa ulo. Pero, nagpapasalamat ako dahil marami akong magagawa sa ikakabuti ng mga bata sa paaralan. Hindi ko rin akalain na magiging Supervisor ako ng isang school.
Pangalawa, isa sa mga side effecst ng gamot na Jakafi ay pagdagdag ng cholesterol sa katawan. Kaya ngayon, susubukan nila in 3 months kung hindi bumaba cholesterol ko, i-try nilang ibihin ulit. Injection naman, pero once a week. Ay buhay, trial and error na naman. Kasi wala pa rin nagbago sa sakit ko, nabuhayan ako ng konti, pero minsan, hinang hina ako.
Sa totoo lang, hindi naman ako natatakot mamatay. I’m trying to live the best of my life without any regrets. Once, you have been diagnosed with cancer, and not a major cancer, but a cancer that you have to live for the rest of your life, a cancer that will slowly progress, and you have to take meds forever, iba na ang panananaw mo sa buhay. Iyong mga small things na drama at problema ay parang baliwala na lang.
Ngayon, may mga bucket list ako ng gusto ko gawin, sabihin ko dito iyong iba.
- Subukan ko mag-isa. Halos 34 years na rin ako may kasama sa buhay. Ngayon, nadagdagan ang sweldo ko, siguro subukan ko mag-isa. Unless, bumili ng bahay kami at sama-sama ulit kami.
- Magtravel ako internationally, mag-isa ulit. Nasubukan ko nung 18 ako, mag-isa ako umuwi sa Pinas. Pero subukan ko na ako lang ulit. Kung hindi man internationally kahit domestic lang.
- Mag-ampon, kung hindi na ako mag-aasawa, gusto ko mag-ampon na anak. Kahit anong lahi.
Iyang tatlo lang share ko. Iyong iba, para sa akin lang.