
“Marami ka ngang pera pero single ka naman.” “May syota ka nga, wala ka namang pera.”
Matagal ko ng narinig iyang mga salita na iyan. Minsan maririnig mo pa ito sa mga pelikula. Pera o pag-ibig? Career o pag-ibig? Swerte ka kung meron kang dalawa. Pero, madalas nasa isa ka lang; may pera o may syota. Ang masakit, kung parehas wala.
Ang totoong tanong, ikaw ba ay kontento? Okay ka ba na single ka? Masaya ka ba na may minamahal ka sa buhay kahit gipit sa pera? Dahil sa huli, nasa pagtingin mo rin sa buhay ang magbibigay sayo ng kasiyahan. Kung puro ka lang reklamo, wala talaga mapapala. Magpasalamat ka kung ano mayroon ka, at gumawa ka ng paraan na mabuti para magkapera. Pero kung walang-wala talaga. Nganga!
Kaya tanong ko sa readers ko. Ano pipiliin mo? Marami kang pera pero single ka o may minamahal ka pero gipit ka naman sa pera? Comment below!