
Pwede na ba lumabas? Halos magiging dalawang taon na, pandemic pa rin ang mundo. Hindi pa rin malayang makapunta sa iba’t ibang lugar. Pili-pili lang mga pwedeng puntahan.
Na-stuck man tayo sa pandemic, pero ang buhay ko ang dami nagbago. Busy na masyado sa trabaho, balik na ulit mga bata sa paaralan. Nasa mataas na ako ng posisyun, kaya marami ng tungkulin. Marami na mga bagay ba hindi ko magawa, na dati ko nagagawa. Kagaya ng paglalaro ng mga video games, manood ng mga pelikula o palabas. Minsan, kulang na rin ang tulog.
Sa Oktubre, babaguhin pa gamot ko, injection naman na, kaya mag-aadjust ulit katawan ko. Sana hindi ganun kasama and side effects. Sana lalo akong lumakas at mabigyan ng enerhiya.
Next stage ng buhay, minsan kailangan magbago, minsan mabilis, minsan dahan-dahan. Pero kailangan magbago para sa ikakabuti ng sarili. Minsan kailangan tanggalin at iwasan na ang mga bagay. Marami ng ibang mas importante na kailangan unahin.
Kaya, go! Sige sulong. Tingnan natin kung ano mangyayari sa bagong pahina ng aking storya.