
Nakasakay ako sa eroplano habang sinusulat ito. Nakikinig sa Tagalog OPM at ginugulo ang utak. Mga musika ng Pilipino ay masyadong tagos sa puso. Malakas makahugot.
Punta ako sa Hawaii ulit, halos lahat na ng islands sa Hawaii napuntahan na. Tapos na Oahu, Mauic, Big Island, at ngayon Kauai naman. Gusto ko lang humiga at matulog habang walang pasok ng isang linggo.
Nakasakay kami sa Southwest, pero hiwahiwalay kamo ng upuan kasi hindi reserved seating. Kaya parang mag-isa rin alo nagbibiyahe. Napapaisip tuloy ako ng pinas habang nakaupo dito sa eroplano. Kailangan kaya makauwi ulit ng Pinas?
Alam mo, ilang taon, siguro mga labing limang taon na rin na akong single. Para bang hindi ko inaakaso lalo na kapag tumatanda ka. Syempre gusto ko pa rin ng mga romantic feelings, pero ala! Nganga! Kaya travel ng lang ng travel. Ganun na ba kalalim ng trust issues ko, kaya hindi ko na tinatry? May hinihintay ba ako? Isa lang ba ang nasa puso ko? Takot na ba ako magmahal ulit? Takot na ba ako malunod sa takot at sakit. Kaya ko naman diba? Diba? Kaya ko ba?
Marami tuloy napapaisip habang nasa taas ng langit at nakikinig ng The Juans, tagos hanggang kaluluwa ba naman mga kanta. Masyadong mapusok at masakit.
Tama na nga! Diary entry lang ito, huwag seryosohin sa mga nagbabasa, free writing lang straight from the mind and heart. Walang edit, walang proofread, wrong spelling, mali-mali grammar, kahit ano!
Kaya sa lahat ng mga madalas makinig ng OPM dyan, magsulat kayo habang nakikinig para mailabas ang gusto niyo mailabas ang nasa laman ng isip o puso.
Sige! Hawaii na!